Manila, Philippines – Pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling makipag-usap sa mga komunistang rebelde kung magdedeklara ang mga ito ng ceasefire deal.
Sabi ng Pangulo, naghinay-hinay siya sa kanyang pahayag laban kay Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison dahil na rin sa apelang ginawa ni Government Chief Negotiator Silvestre Bello III.
Matatandaan noong November 2017 ay ibinasura ng Pangulo ang usapang pangkapayapaan sa makakaliwang grupo dahil sa patuloy na pag-atake ng mga ito sa militar at mga pulis.
At kasunod nito ay nagpasya si Pangulong Duterte na ideklara na ring terorista ang News People’s Army.
Facebook Comments