
Sasamantalahin ng Pilipinas ang dalawang linggong ceasefire sa pagitan ng Amerika at Iran para madagdagan ang suplay ng langis sa bansa.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pagkakataon ito para makapasok ang mas maraming oil shipment habang pansamantalang humuhupa ang tensyon.
Umaasa rin aniya ang gobyerno na hahantong ang ceasefire sa mas maayos na pag-uusap ng US at Iran, dahil layunin ng lahat na matapos ang sigalot.
Aminado naman ang pangulo na kulang ang dalawang linggo para agad bumaba ang presyo ng langis.
Pero posibleng gumaan aniya ang suplay kung tuluyang maging maayos ang biyahe ng mga barko sa Strait of Hormuz.
Dagdag pa niya, magandang senyales ang ceasefire para sa kaligtasan ng mga Pilipinong seafarers na naapektuhan ng tensyon at pansamantalang naantala ang biyahe ng mga barko.










