Inilagay na sa hard lockdown ang Cebu City matapos magpadala si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga opisyal ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) dahil sa nakaka-alarmang pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, sinuspinde na ang quarantine passes sa lungsod.
Iginiit ni Año na magiging mahigpit ang pagpapatupad ng quarantine restrictions sa Cebu.
Tanging mga Authorized Persons Outside Residence (APORs) at Essential Workers ang papayagang lumabas.
Sinabi naman ni Central Visayas PNP Director, Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro, isasailalim sa re-evaluation ang 250,000 quarantine passes na inisyu sa lungsod.
Kasalukuyang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lungsod.