Mahigpit ngayong mino-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa Cebu City dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod sa nakalipas na pitong araw.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, posibleng magpatupad ng localized lockdown sa Cebu City kapag patuloy na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa lugar.
Aniya, bukas ay pupunta sa Cebu City si National Policy Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. para makipag-ugnayan sa Regional Inter-Agency Task Force (IATF) at sa mga local chief executive doon.
Matatandaan na noong June 5, 73 panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Cebu.
Samantala, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pag-aaralang mabuti ng pamahalaan ang magiging kapalaran ng Metro Manila at Cebu City pagkatapos ng deadline ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa June 15.
Tinitingnan na aniya ng pamahalaan ang mga posibleng indikasyong hindi magreresulta ng second wave ng COVID-19 infections ang muling pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila.