Cebu City muling niyanig ng aftershocks matapos sa 6.5 magnitude na lindol sa Ormoc City

169

*Nanguna mismo si Cebu Governor Hilario Junjun Davide III,sa pag-inspeksyon sa mga gusali sa Kapitolyo matapos ang 5.4 magnitude nga aftershock pasado alas nuebe kaninang umaga.*
*Pinangunahan ni Davide ang paglabas sa kanyang opisina kasama ang kanyang mga empleyado at nagtipon -tipon sa grounds ng Kapitolyo.*
*Ayon kay Davide na ang naramdaman na aftershock sa Cebu City kaninang umaga, ay parang earthquake drill ,ngunit sinabi nito na ang pagrespondi ng mga empleyado ay actual at hindi lang drill.*
*Matapos ng aftershock, sumama si Davide sa mga personnel ng Provincial Disaster Risk Reduction Managemen office at Provincial Engineering Office sa pag inspeksyon sa mga gusali ng kapitolyo.*
*Matapos sa inspeksyon ay pinabalik na ni Davide sa kanilang mga opisina ang mga empleyado ng kapitolyo.*

*tags: Unang radyo Unang Balita, Straight to the Point, DYHP*
*aftershocks, lindol, Ormoc City*

Facebook Comments