Iginiit ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na dapat protektahan ang Cebu mula sa COVID-19 at sa mga nakakahawang variants nito dahil ikinokonsidera itong gateway patungong Luzon at Visayas.
Nabatid na kabilang sa mga ipinatupad ng polisiya ng Cebu ay ang swab test upon arrival sa Mactan Cebu International Airport at maikling quarantine period para sa lahat ng returning overseas Filipinos at overseas Filipino workers (OFWs).
Pero ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay nire-require ang lahat ng paparating na ROFs at OFWs na sumailalim sa 14-day quarantine period.
Ayon kay Galvez, dapat alalahanin na ang Cebu ay major entry point kaya mahalagang maprotektahan ito.
Una nang nanawagan si Health Secretary Francisco Duque III at Cabinet Secretary Karlo Nograles sa Cebu government na sundin ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte para matiyak na hindi kakalat ang COVID-19 variants.