Cebu Governor Hilario Davide III, nagnanais na ma- construct ang pangalawang runway sa Mactan Cebu International Airport

241

Cebu City, Philippines- Panahon na malagyan ng pangalawang runway ang Mactan Cebu International Airport ,habang patuloy ang pagpapalapad ng terminal sa MCIAA facility.
Ito ay inihayag ni Gobernador Junjun Davide na membro din ng MCIAA board.
Si Davide nananawagan sa gmr megawide na siyang nangagasiwa ng mciaa na pagbutihan pa ang serbisyo at magdagdag ng mga x-ray machine sa paliparan.

Napag-alaman na kada araw daan-daang domestic at international flights ang papasok at palabas sa Mactan Airport.
Sa ngayon sabi ni Davide, patuloy pang pinag-uusapan sa MCIAA board ang pag extend sa consession agreement ng GMR megawide mula 25 taon hanggang sa 50 taon, lalo na sa hangarin na maconstruct ang second runway sa Mactan Cebu International Airport.

Facebook Comments