Cebu-LGU, naghahanda na sa pagbabakuna ng mga bata

Inihahanda na ng Metro Cebu Local Government Unit (LGU) ang masterlist o listahan ng pangalan ng mga bata edad 12-17 taong gulang na mapapasama sa pediatric vaccination ng pamahalaan.

Sa Presscon sa Palasyo, sinabi ni Inter-Agency Task Force (IATF) Visayas Chief Implementer General Melquiades Feliciano na ngayon pa lamang ay kanila na itong pinaghahandaan para sa nakatakdang pagsisimula nito sa kalagitnaan ng bwan.

Sa katunayan, ang Naga City sa Cebu ay tapos na ang masterlist.


Target na mabakunahan ang nasa 324,000 na mga bata sa buong probinsya ng Cebu kung saan uunahin ang may comorbidities.

Nabatid na maliban sa Metro Manila ay kasama ang Cebu Island sa pilot areas na magkakaroon ng rollout ng mga bakuna kontra COVID-19 sa mga kabataan.

Facebook Comments