Cebu nangunguna pa rin sa may mataas na kaso ng COVID-19

Ang Cebu pa rin ang nangunguna sa listahan ng Octa Research na may mataas na kaso ng COVID-19.

Sumunod ang Quezon City, Davao City, Manila, Lapu-Lapu City, Baguio, Pasig, Valenzuela, Mandaue City at Caloocan.

Aminado naman si OCTA Research fellow and professor Guido David na maliit lamang ang magiging impact ng paghupa ng COVID cases sa bansa ng paparating na unang batch na 117,000 vaccine doses mula sa Pfizer.


Kinumpirma naman ni Dr. Alethea de Guzman ng Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau na ang pinaka-common na variant na natuklasan sa genome sequencing ay ang sa Hong Kong,

Sa 1,227 aniyang mga pasyente na isinailalim sa genome sequencing, lumalabas na halos 1/3 dito ay Hong Kong variant.

Sumunod ang European variant, United Arab Emirates, Brazilian, United Kingdom at iba pa.

Facebook Comments