Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang National Grid Corporation of The Philippines (NGCP) para sa matagumpay na paglulunsad ng Cebu-Negros-Panay (CNP) Backbone Project, sa Bacolod City, Negros Oriental.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang pagkumpleto ng proyekto ay isang milestone sa pagkakaroon ng mahusay at maaasahan na power infrastracture sa rehiyon.
Dagdag pa ng pangulo na ang tagumpay ng NGCP ay sumasalamin sa commitment ng pamahalaan na palakasin ang bawat komunidad sa pamamagitan ng pagpapalawig ng connectivity para sa mga susunod na henerasyon.
Dahil dito, tiwala rin si Pangulong Marcos na matutugunan ang tumataas na pangangailangan sa enerhiya sa lugar at makatutulong din sa pag-angat ng antas ng socio-economic ng Regions 6 at 7, na may pinagsamang ₱2.24 trillion sa ekonomiya sa 2022.
Kaugnay nito, sinabi naman ni NGCP AVP at Head of Public Relations Department, Cynthia Alabanza, na malaki ang tulong ng CNP sa pagpapatag ng Visayas sa panahon ng power interruptions.
Gayunpaman, kailangan pa rin aniya ang dagdag ng mga matatag na planta ng kuryente sa isla para maiwasan ang blackout at tuluy-tuloy na supply ng kuryente sa rehiyon.