Cebu Pac, pahaharapin sa parusa kapag napatunayang may paglabag sa kanselasyon ng kanilang mga biyahe

Tiniyak ng Civil Aeronautics Board (CAB) na mahaharap sa parusa ang Cebu Pacific oras na mapatunayang may paglabag ito kaugnay ng kanselasyon ng maraming biyahe ng nasabing Airline Company.

Ayon kay CAB Spokesperson Atty. Wyrlou Samodio, iniimbestigahan na nila ang kanselasyon ng mahigit 50 biyahe katuwang ang Manila International Airport Authority (MIAA) at sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Inaalam nila kung totoo ang mga dahilan ng Cebu Pacific hinggil sa kanselasyon gaya ng birdstrike at air traffic congestion.


Sa ngayon, hindi masabi ng CAB kung kailan nila mailalabas ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

Maliban kasi sa ini-evaluate nila na 42 flight cancellation, nadagdagan pa ito ng kanselasyon ng mahigit 50 roundtrip flights mula bukas hanggang sa may 10.

Si CAB Spokesperson Atty. Wyrlou Samodio sa interview ng RMN Manila.

Facebook Comments