Tiniyak ng pamunuan ng Cebu Pacific na ligtas ang lahat ng mga pasahero ng kanilang eroplanong sumadsad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dakong alas 11:45 kaninang umaga.
Ayon sa Cebu Pacific, ang flight DG 6112 ay nagmula sa Naga City na sakay ang 42 na mga pasahero at apat na mga crew nang magkaroon ng “slight runway excursion.”
Anila, lahat ng pasahero ay isinailalim sa medical checkup at naialis na rin ang eroplano pasado alas-1 ng hapon.
Samantala, ilang flight ng Cebu Pacific ang naapektuhan ng nasabing insidente.
Maging ang Philippine Airlines ay nag-anunsiyo rin sa pagkaantala ng ilang mga biyahe kabilang ang mga nagmula sa London; Dammam; Dubai; Doha at iba pa.
Ilang biyahe rin ng PAL ang na-divert ang kanilang arrivals sa Clark, Pampanga.