Cebu Pacific, kinumpirmang balik na sila sa normal na automated check-in

Kinumpirma ng Cebu Pacific na balik na sila automated check-in, booking, at iba pang systems.

Gayunman, hindi anila agad-agad na maibabalik sa normal ang flight operations dahil sa domino effect ng nangyaring global IT outage.

Kinumpirma naman ng AirAsia na may ilang station sila na bumalik na sa automated check-in.


Gayunman, hindi pa anila 100% na balik sa normal na automated airline lalo na’t kagabi ay nagkaroon muli ng aberya.

Sa ngayon, tuloy naman ang paglipad at paglapag ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA terminals.

Hindi pa masabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kabuuang bilang ng mga apektadong pasahero.

Facebook Comments