Magbabawas narin ang Cebu Pacific ng kanilang flights mula Pilipinas patungo ng mainland China, Hong Kong at Macau mula Pebrero 5 hanggang Marso 29, 2020.
Kinumpirma ito ni Cebu Pacific spokesperson Charo Logarta-Lagamon sa gitna parin ng banta 2019 N-CoV.
Ang mga pasahero na maapektuhan ng flight cancellations ay aabisuhan sa pamamagitan ng mga detalye ng contact na ibinigay sa kanilang pagbo-book.
Maaari din nilang alamin ng mga pasahero ang estado ng kanilang flights sa pamamagitan ng Manage Booking portal sa website ng Cebu Pacific.
May mga options din ibinigay ang airline na mapagpipilian ng mga pasahero sa mga kanseladong flights tulad ng pagpaparebook ng bagong flight sa loob ng 30 araw mula sa orihinal na petsa ng kanilang biyahe o refund na walang babayarang penalty.