Cebu Pacific, magsasagawa ng special commercial flight para sa stranded OFWs sa Dubai

Nagkasa ang Cebu Pacific ng special commercial flight sa July 30 para sa repatriation ng stranded OFWs sa Dubai, United Arab Emirates.

Ito ay bilang tugon sa panawagan ng pamahalaan na tulungan ang Pinoy workers sa Dubai na naiipit sa travel ban ng Pilipinas.

Ayon sa CebuPac, kabilang sa tatanggapin nila sa Special Commercial Flight ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakansela ang flight pauwi ng Pilipinas dahil sa travel ban.


Nagpaalala naman ang Cebu Pacific sa OFWs na nais sumabay sa Bayanihan flight na magprisinta ng negatibong swab test result.

Awtomatiko namang sasailalim sa 14 na araw na quarantine ang returning OFWs pagdating nila sa Pilipinas.

Facebook Comments