Kinumpirma ng Cebu Pacific na nag-aalok na sila ng antigen tests sa mga pasahero sa halagang P700.
Bukod pa ito sa RT-PCR test option ng CebuPac na nagkakahalaga naman ng P3,300.
Una rito, matagumpay na nailunsad ng Cebu Pacific ang kanilang Test Before Boarding (TBB) process sa mga pasahero nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang antigen test ng nasabing air carrier ay ginagawa ilang oras bago ang departure at inilalabas ang resulta matapos ang kalahating oras
Sa pilot run ng antigen test ng CebuPac, 1,143 na mga pasahero sa NAIA 3 ang sumailalim sa test at tatlo ang nagpositibo.
Ang mga pasaherong nagpopositibo sa pagsusuri ay hindi pinapayagang sumakay sa eroplano.
Facebook Comments