Cebu Pacific, may paalala sa mga pasahero ngayong peak season

105

Pinaalalahanan ng Cebu Pacific (CebPac) at Cebgo ang mga pasahero na agahan ang kanilang pagtungo sa airport.

Ito ay para hindi sila magahol sa oras para sa security inspection, check-in, bag drop at iba pang pre-departure requirements.

Ayon sa Cebu Pacific at Cebgo, dapat nasa paliparan na ang mga pasahero, tatlong oras bago ang kanilang flight para sa domestic flights at apat na oras para sa international flights.


Pinaalalahanan din ang mga pasahero na magdala ng isang hand carry bag lamang na hindi lalagpas sa pitong kilo ang timbang.

Pero kapag may kasamang sanggol, maaring magdala ng isa pang extra bag para sa pagkain at pangangailangan ng bata.

Facebook Comments