Cebu Pacific, nag-anunsyo na ng kanselasyon sa ilang international flights

Matapos na magdesisyon ang pamahalaan na limitahan muna sa 1,500 capacity ang international arrivals sa Ninoy Aquino International Airport mula March 18 hanggang April 18, 2021, nag-anunsyo na ang Cebu Pacific ng kanselasyon ng ilan nilang international flights.

Partikular sa mga kinansela ang mga sumusunod:

• Manila – Narita (Tokyo) – Manila
• Manila – Nagoya – Manila


Ang mga apektadong pasahero ay agad namang aabisuhan ng nasabing air carrier sa mga contact details ng mga ito na binigay sa airline.

Maaari ring magpa-rebook ang mga pasahero nang walang charges o di kaya ay magpa-refund ng kanilang tickets.

Ang kailangan lamang gawin ay bisitahin ang website ng Cebu Pacific.

Tiniyak naman ng CebuPac na tuloy ang kanilang operasyon para sa domestic flights.

Facebook Comments