Cebu Pacific, nagbukas na ng flight sa Dubai

Simula bukas, July 12, 2020, magkakaroon na muli ng Manila-Dubai-Manila Flights ang Cebu Pacific.

Aalis ng Manila ang eroplano ng CebuPac ng alas-6:55 ng gabi at magbabalik mula Dubai ng alas-3:30 ng madaling araw, oras sa United Arab Emirates (UAE).

Ang mga pasahero naman na tutungo ng Dubai ay obligadong kumuha ng travel at health insurance coverage alinsunod sa panuntunan ng Dubai Civil Aviation Authority.


Ang mga pasaherong walang health insurance ay hindi papayagang mag-check-in o sumakay ng eroplano.

Samantala, ang lahat ng international flights ng Cebu Pacific ay mananatiling kanselado hanggang sa katapusan ng July habang inaayos ang schedule ng flights ng nasabing air carrier

Facebook Comments