Cebu Pacific, nagdagdag na domestic flights matapos ang pagluluwag ng pamahalaan sa travel restrictions

Dinagdagan pa ng Cebu Pacific ang domestic flights nito matapos ang pagluluwag ng pamahalaan sa travel restrictions.

Kabilang sa dinagdagan ng CebuPac ng flights ang 6 na domestic destinations tulad ng Boracay, Bohol, Cebu, Cagayan de Oro, Davao at General Santos.

Epektibo sa Lunes, November 22, magiging 9 na beses na kada araw ang Manila-Boracay-Manila flight ng CebPac.


Sa pagpasok naman ng Disyembre ay magiging 6 na flights ng Cebu Pacitic kada araw sa Boracay mula Cebu.

Magigng 12 beses naman ang kada linggong flight mula Manila patungo ng Bohol.

Dinagdagan din ng air carrier ang kanilang flights patungo ng Cagayan de Oro, General Santos City at Davao.

Facebook Comments