Cebu Pacific, naglabas ng panuntunan sa mga menor de edad na papayagang sumakay ng eroplano

Nag-anunsyo ang Cebu Pacific na papayagan pa rin nilang makasakay ng eroplano ang mga hindi bakunadong menor de edad.

Gayunman, ang papayagan lamang ng Cebu Pacific ay mga batang returning residents at may kasamang adult na fully vaccinated.

Kailangan ding magprisinta ng proof of residency at ang requirements ng Local Government Unit (LGU) kung saan sila pupunta.


Nilinaw rin ng Cebu Pacific na exempted sa “No Vaccination, No Ride” Policy ng pamahalaan ang mga pasaherong may medical conditions na hindi maaaring sumailalim sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Exempted din ang mga hindi fully vaccinated na pasahero na may bibilhing essential goods o services.

Facebook Comments