Cebu Pacific, nilinaw na hindi pa-take off ang eroplano nilang nabalahaw sa NAIA Complex

Nilinaw ng Cebu Pacific na hindi pa-take off ang kanilang eroplano na nabalahaw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex.

Ayon kay Cebu Pacific Spokesperson Carmina Romero, inilipat lang ng bay o ng position ang naturang aircraft nang matapat ito sa madamong bahagi ng taxiway.

Nilinaw rin ni Romero na walang sakay na mga pasehero ang eroplano nang ilipat ito sa Bay 122A ng NAIA Terminal 3 mula sa Bay 111, kaya walang naapektuhan na pasahero.


Wala rin aniyang nasaktan sa nasabing insidente.

Minamadali na rin ng Manila International Airport Authority (MIAA) Aircraft Recovery team ang pag-alis sa eroplano sa madamong bahagi ng NAIA Complex.

Facebook Comments