Cebu Pacific, tatanggap lamang ng mga pasaherong Pilipino mula sa ilang bansa na sakop ng travel ban

443

Nag-anunsyo ang Cebu Pacific na Filipino citizens lamang ang kanilang tatanggapin sa kanilang flights pabalik ng Manila mula sa Dubai, Hong Kong, Nagoya, Japan, Singapore at Seoul, South Korea.

Kasunod ito ng pagpapalawig ng pamahalaan ng Pilipinas sa travel restriction sa mga bansang may kaso ng bagong COVID-19 variant.


Nangangahulugan ito na hindi muna tatanggap ang Cebu Pacific ng mga dayuhang pasahero papasok ng Pilipinas.

Partikular ang foreign passengers na magmumula sa 35 na mga bansang sakop ng pinalawig na travel ban.

Nilinaw naman ng CebuPac na tuloy-tuloy ang kanilang domestic at international flights pero mahigpit nilang ipapatupad ang health protocols at requirements sa mga pasaherong sasakay sa kanilang flights.

Facebook Comments