Ikinalugod ng Cebu Pacific ang pagdami ng Local Government Units (LGUs) na nagdesisyong alisin na ang requirement na Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test sa fully-vaccinated na papasok sa kanilang lugar.
Sa halip ay vaccination card na lamang ang magiging travel requirement sa mga biyaherong bakunado na.
Kabilang sa LGUs na nagpatupad ng ganitong sistema ang Bacolod, Cauayan City sa Isabela at Tacloban.
Ang Cotabato ay tumatanggap na rin ng vaccination card bilang travel requirement sa fully-vaccinated individuals.
Susunod na rin ang Cebu, Davao, at Iloilo alinsunod na rin sa resolusyon ng Inter Agency Task Force (IATF).
Nagpa-alala naman ang Cebu Pacific sa mga biyahero na alamin muna ang health protocol updates ng LGUs sa mga lugar na kanilang pupuntahan bago magdesisyong bumiyahe