Cebu Province, ibinaba na sa GCQ with heightened restrictions hanggang August 15

Isinailalim na ang buong Cebu Province sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions simula kahapon, August 1 hanggang August 15.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ng ibaba na sa GCQ ang Cebu Province mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Maliban sa Cebu Province, itinaas rin ang Apayao, Laguna, Aklan sa MECQ hanggang sa August 15.


Samantala, inaprubahan naman ng IATF na paikliin pa ang detection hanggang isolation o quarantine interval na mas mababa sa limang araw.

Kasama rito ang pagsasagawa ng active case finding sa lahat ng lugar, pagpaprayoridad sa mga clustering o tracing ng mga close contacts ng suspect, probable at confirmed cases sa loob ng 24 oras pagkatapos na ma-detect ang kaso.

Facebook Comments