Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cebu dahil sa pinsala ng El Niño.
Ayon kay Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Baltazar Tribunalo Jr., na tinatayang nasa isang daang milyong piso na ang nasirang pananim ng palay at mais sa lalawigan dahil sa kawalan ng sapat na irigasyon.
Pero sa ngayon ay sapat naman ang supply ng potable water sa probinsya.
Sabi pa ni Tribunalo, inaprubahan na rin ang P59 million para sa relief at assistance sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Una nang sinabi ng PAGASA na makakaranas ng magkakaibang lebel ng tagtuyot ang ilang bahagi ng bansa mula Marso hanggang Hunyo dahil sa epekto ng El Niño.
Facebook Comments