Cebu province, may pinakamababang bilang ng hindi bakunado kontra COVID-19 sa buong bansa

Nanguna ang probinsya ng Cebu sa bilang ng pinakamaraming Pilipino na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) co-leader Dr. Keiza Rosario, tinatayang nasa humigit-kumulang isang milyong unvaccinated individuals ang naitala sa Cebu.

Kaugnay ito sa hakbang ng pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang mga lugar na nakitaan ng mababang COVID-19 vaccination rate sa bansa.


Itinuturong dahilan naman ng mga otoridad ang vaccine hesitancy at kakulangan sa access sa mga bakuna kung kaya’t may mga lugar na katulad ng Cebu ang nakakaranas ng mababang vaccination coverage.

Matatandaang tinukoy ng Department of Health – Region 7 ang 12 lokalidad sa Cebu na nangangailangan ng suporta upang mapalakas ang COVID-19 vaccination rollout partikular sa mga senior citizens.

Facebook Comments