Cebu Rep. Rama, nanawagan ng tulong para sa mga biktima ng lindol

Nananawagan ngayon si House Deputy Majority Leader at Cebu City 2nd District Representative Edu Rama ng pagkakaisa para sa pagtulong sa mga biktima ng 6.9 magnitude na lindol na yumanig sa lalawigan.

Ayon kay Rama, nakikipag-ugnayan na rin sya sa tanggapan ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III at sa lokal na pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng lindol.

Binanggit ni Rama na katuwang ang Lakas-CMD ay nakapagbigay na sila ng 1,000 mga relief packs sa mga pamilyang tinamaan ng sakuna.

Ayon kay Rama, kasalukuyang nagsisilbi bilang central hub para sa provincial relief operations ang Cebu Provincial Office sa kapitolyo.

Inanunsyo ni Rama na ang drop-off points para sa mga nais mag-donate ng tulong ay sa Cebu City Hall grounds at sa City Public Library.

Facebook Comments