Manila, Philippines – Tiniyak ni PNP-Central Visayas Director C/Supt. Noli Taliño na walang ibibigay na special treatment sa road rage suspect na si David Lim Jr. na bumaril sa nurse na si Ephraim Nuñal.
Una rito, nagpaabot ng mensahe ang ina ni Lim kay Assistant to the President Sec. Bong Go na susuko na ang kanyang anak.
Si Lim ay pamangkin ni Peter Lim, ang sinasabing drug lord na kabilang sa narco-list ng Pangulong Duterte.
Kasabay nito, siniguro din ni Taliño ang kaligtasan ng dalawang pangunahing saksi sa nangyaring pamamaril dahil na rin ito sa pangamba ng mga saksi na balikan sila ng kampo ng suspect.
Kahapon, sinampahan na ng frustrated murder at illegal possession of firearms ang suspect na si Lim.
Bukod kay Lim, kinasuhan rin ang kasintahan nitong si tamae takahashi na nanatiling at-large.
Habang nakakulong si Lim sa Cebu City Police Office kung saan inaasahang makakapagpyansa ito ngayong araw.
Facebook Comments