Cebuana beauty queen arestado matapos maligo, mag-inuman sa beach kasama ang nobyo

3153
Photo from Maria Gigante's Instagram

Arestado ang isang model at beauty queen sa Cebu, at dayuhang nobyo nito, sa paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ) at liquor ban noong Linggo, Mayo 10.

Dinitena si Maria Gigante, 26, at nobyong si Javier Filosa Castro, 35, matapos madatnang naliligo at nag-iinuman umano sa beach sa Moalboal.


Ayon sa pulisya, nakalusot sa checkpoint ang magkasintahan na mula sa Cebu City dahil sinabi raw nilang mamimigay sila ng relief goods sa Alegria.

Nang mahuling sa beach dumiretso, pinauwi raw ng awtoridad ang dalawa ngunit hindi sumunod.

Nahaharap sila sa reklamong resistance and disobedience to a person in authority at paglabag sa liquor ban.

Tumanggi naman ang dalawa na magbigay ng pahayag.




Si Gigante ay kalahok sa unang Binibining Cebu pageant noong 2017, kung saan kinoronahan siyang Binibining Cebu Charity.

Facebook Comments