Cebuano historian, hinamon si Pangulong Duterte na patunayang Tausug si Lapu-Lapu

Photo Courtesy: PCOO

Kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Camp Siongco sa Maguindanao, hinamon ngayon ng isang Cebuano historian ang pangulo na patunayan na isang Tausug si Lapu-Lapu.

Ayon sa Archaelogist at Director ng University of San Carlos Museum na si Jose Eleazar Bersales, magpresenta na lamang ang pangulo ng pruweba na isang Tausug si Lapu-Lapu.

Kasabay nito, inaya ni Bersales si Duterte na mag-usap sila ng one-on-one.


Samantala, inihayag din ni Senator Bong Go na Tausug si Lapu-Lapu noong ika-limang daang anibersaryo ng Battle of Mactan nitong nakaraang buwan.

Humingi naman ng paumanhin ang senador matapos batikusin ang kaniyang pahayag.

Facebook Comments