Manila, Philippines – Ipagdiriwang bukas, July 4 ng Department Of Environment and Natural Resources (DENR) ang 31st anniversary nito.
Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay: ‘Ikaw, ako, tayo ang kalikasan’.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, paalala ito na malaki ang papel at responsibilidad ng tao para pangangalaga ng kalikasan.
Magiging panauhing pandangal si Pangulong Rodrigo Duterte sa event at pangungunahan niya ang pagbibigay ng residential land titles sa mga kwalipikadong residente ng walong barangay sa Taguig City.
Magbibigay si Cimatu ng update sa nagpapatuloy na rehabilitation efforts sa Boracay.
Facebook Comments