Manila, Philippines – Ipinagdiriwang ngayong araw ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ika-120 taong anibersaryo.
Guest of honor at speaker si Pangulong Rodrigo Duterte na maggagawad ng Order of Sikatuna, Order of Lakandula at ang Gawad Mabini sa anim na opisyal na nagbigay ng dedikasyon at serbisyo sa DFA.
Paparangalan naman ng Felipe Agoncillo Lifetime Service Award ang apat na retiring ambassadors at iba pang opisyal.
Bukod dito, magbibigay din ang DFA ng assistance to nationals awards, best organization award, outstanding employee awards, at loyalty awards.
Maglulunsad din ng photo exhibit kung saan tampok ang mga napagtagumpayan ng Duterte Administration sa pagsusulong ng independent foreign policy.
Facebook Comments