CELEBRATION | Mga programa para sa 447th year ng lungsod ng Maynila, nakalatag na

Manila, Philippines – Ibinida ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga makasaysayang kaganapan at natamo ng lungsod sa darating na ika-447 na taon ng pagkakatatag ng Maynila.

Sisimulan ang selebrasyon ngayong araw sa pamamagitan ng pagkilala o ang outstanding employee at city service awardees sa Bulwagang Villegas mamayang alas-2:00 ng hapon.

Mula bukas June 19 hanggang 21 ay kikilalanin naman ang mga natatanging guro o outstanding educators ala-1 ng hapon at isang concert naman sa gabi ang idaraos ng Manila Youth Bureau sa Rajah Sulayman.


Pararangalan din ang mga nakatatanda sa tinawag na Gabi ng Parangal para sa mga nakatatandang Manileño.

Kasama rin sa pararangalan ang mga natatanging alagaad ng Sining na nagpakita ng kakaibang kagalingan sa architecture, painting, at iba pang uri ng kultura sa pamamagitan ng “Patnubay ng Sining at Kalinangan Awards.”

Pararangalan din ng alkalde ng Maynila ang mga outstanding taxpayers and Manileñans sa gabi ng June 22.

Mayroon ding thanksgiving mass sa San Agustin Church alas 7 ng umaga sa June 24 sa San Agustin Church at pag-aalay ng bulaklak sa Monumento ni Gat Jose Rizal sa Rizal Park.

Pinakatampok ang Grand Coronation Nights para sa taunan o 2018 Miss Manila Pageant sa Philippine International Convention Center (PICC) alas-7:00 ng gabi.

Facebook Comments