Celebrity vlogger Toni Fowler, nakapagpiyansa na sa kasong cybercrime

Nakapagpiyansa na ang celebrity vlogger na si Toni Fowler sa Pasay City RTC.

Kaugnay ito ng kasong cybercrime na nag-ugat sa kanyang kontrobersyal na music video.

₱120,000 na piyansa ang inilagak ng vlogger para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Una rito, nag-isyu ng arrest warrant ang Pasay City RTC laban kay Fowler dahil daw sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act.

Ang naturang kaso ay isinampa ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas.

Facebook Comments