Manila, Philippines – Nawalan na ng cellphone signal sa palibot ng ruta ng Traslacion sa Maynila kaninang alas 5 ng umaga.
Ito ang inihayag ni NCRPO Director Guillermo Eleazar, kasabay ng pagsabi na nagbigay na ng pahintulot ang National Telecommunications Commission (NTC) para dito.
Ibabalik ang normal na komunikasyon sa Maynila sa oras na matapos na ang prusisyon.
Ang hakbang ay bahagi ng security precautions ng PNP para matiyak na walang panganib sa cellphone-activated bombs.
Magugunitang nito lang December 31 isang cellphone-triggered improvised explosive device (IED) ang ginamit sa pagpapasabog sa South Seas Mall sa Cotabato city.
Ang pagputol ng signal ng cellphone ay regular nang ginagawa tuwing isinasagawa ang Traslacion bilang pag-iingat lang at una nang sinabi ni Eleazar na walang na-monitor na banta ang PNP.