Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang cellphone technician na nagnakaw ng mga maselang litrato ng kaniyang costumer at ginamit para makapangikil.
Kinilala ang suspek na si Jonas Soriano na humingi ng P4,000 kapalit ng hindi pagkalat ng mga hubad na larawan ng kapatid ng biktima.
Kuwento ng biktima, hiningi ni Soriano ang password ng kaniyang cellphone at i-cloud account niya nang magpagawa sa suspek.
Pero makaraan ang ilang araw, nakipag-ugnayan aniya si Soriano sa kapatid niya at ipinadala rito ang mga maseselang larawan nito.
Giit naman ng suspek, kaya lang daw niya hiningi ang password ay dahil requested ng biktima na gawing open line ang cellphone.
Pero nang suriin ng NBI, bukod sa naitagong mga larawan, sangkot din pala si Soriano sa ibang kaso.
Ikinulong si Soriano sa kasong paglabag sa Republic Act no. 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.