Cellphone technician na nahuli sa drug buy bust operation sasampahan na ng kaso

15

Kalibo, Aklan— Kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang kakaharapin ng 41 anyos na suspek matapos mahuli ng mga kapulisan sa pagtutulak ng illegal na droga. Kinilala ang suspek na si Jacob Solano residente ng Brgy. New Buswang Kalibo. Ikinasa ang nasabing operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PDEU, Kalibo PNP at PDEA noong araw ng Sabado. Narecover mula sa suspek ang anim na sachet ng shabu, isang .22 caliber na baril at mga bala nito at marked money na nagkakahalaga ng P6,000. Mariing itinanggi ng suspek na may kinalaman ito sa illegal na transaksyon. Napag-alaman na gumamit ng dalawang body camera ang mga operatiba ng PDEA at PDEU upang kunan ng video ang buong operasyon. Sa ngayon nakatakdang dalhin sa Aklan Prosecutors Office ang nasabing suspek.

Facebook Comments