Celtics, pinutol ang 5 game winning streak ng Raptors

Pinutol ng Boston Celtics ang five-game winning streak ng Toronto Raptors sa muling pagbabalik ng star player nito na si Kyrie Irving.

Pumuntos si Irving ng 27-points at 18-assists kaya at nagawa nilang talunin ang Raptors sa score na 117-108.

Dahil din sa panalo, umangat sa ikalimang pwesto ng team standings sa Eastern Conference ang Celtics na may 25 na panalo at 18 na talo.


Samantala, tinalo naman ng San Antonio Spurs ang Dallas Mavericks sa score na 105-101.

Facebook Comments