Tinambakan ng Boston Celtics ang Charlotte Hornets sa kanilang naging bakbakan kanina sa NBA.
Tinalo ng Celtics ang Hornets sa score na 126-94 kahit pa wala ang kanilang star player na si Kyrie Irving na may hip injury.
Nanguna sa panalo ng Boston sina Jaylen Brown na may 24-points at Jayson Tatum na may 20-points.
Dahil sa panalo, nananatili sa ikalimang pwesto ang boston sa team standings sa eastern conference na may 32-19 win/loss record.
Facebook Comments