Manila, Philippines – Sinuportahan ng Cement Manufacturers Association of the Philippines (CeMAP) ang alegasyon ni dating Customs Chief Nicanor Faeldon laban sa anak ni Senador Panfilo Lacson.
Ito’y matapos akusahan ni Faeldon si Panfilo Jr. o Panpi na smuggler ng cemento.
Ayon kay Ernesto Ordonez, CeMAP President – totoo ang mga binabato ni Faeldon sa kumpanya ni Panpi dahil technical smuggling ang ginagawa nito kung saan binababa ang halaga ng kalakal para mas mababang buwis ang maipataw.
Bwelta naman ni Ordonez, Oktubre pa ng nakaraang taon nang isumbong nila ito sa Customs pero ngayong lang ito pinansin ni Faeldon.
Umaasa si Ordonez na hindi lamang mauwi sa palitan ng akusasyon.
Facebook Comments