Kasunod ng naganap na karambola ng mga sasakyan sa national highway sa hangganan ng bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao at Cotabato City na kinasangkutan ng Ten Wheeler Truck Cement Mixer at 11 pang mga behikulo ay pinag-iingat ng kapulisan ang mga dumaaraang motorista sa lugar lalo na yaong malalaking sasakyan dahil itinuturing na “accident prone” area ito.
Ayon kay Msgt.Donato Quimbo, traffic investigator ng DOS-Municipal Police Station, takaw disgrasya ang naturang lugar, marami na anyang naitalang car crash ditto.
Nitong Sabado, inararo ng Ten Wheeler Truck Cement Mixer na may lamang graba ang 11 mga sasakyan na sinusundan nito nang hindi umano gumana ang preno ng truck.
Huminto lamang ang truck sa bahagi bahagi ng Headstart College, Tamontaka Mother, Cotabato city.
Galing ng quarry area sa bayan ng DOS ang mixer truck at papasok na sana ng Cotabato City nang maganap ang aksidente.
May mga bahagyang nasugatan sa aksidente subalit isa lamang ang isinugod sa pagamutan at ito ay driver ng van na isa sa mga inararo ng mixer truck
Isinalaysay sa DXMY ng driver ng Ten Wheeler Truck Cement Mixer na si Basir Pallulian ang mga pangyayari kaugnay ng kinasangkutan nitong aksidente sa hangganan ng DOS mAguindanao at Cotabato city.
Anya, loaded ang minamaneho n’yang cement mixer nang maganap ang aksidente.
Nag-aplay anya s’ya ng brake pagsapit sa MSU graduate school subalit hindi na ito gumana kaya tumuloy-tuloy na s’ya at inararo nito ang 11 mga saakyan.
Si Pallulian ay nasa kustodiya na ngayon ng DOS-PNP.