CenPEG, duda na tuluyang matatanggal ang VFA sa pagitan ng Pilipinas at US

Naniniwala ang isang Political Analyst na mahihirapan ang administrasyong Duterte na makalag ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos.

Sa Pandesal forum sa QC, sinabi ni Bobby Tuazon Policy Analyst ng Center for People Empowerment in Governance o CenPEG, kumplikado ang posisyon dito ng Pilipinas dahil isang superpower ang US.

Ani Tuazon, mahaba pa ang pagdadaanan ng desisyon ng Pangulo.


Hindi lang kasi si US President Donald Trump ang magdedesisyon sa pagtanggal sa VFA.

Mahalaga rin aniya ang posisyon dito ng commander ng Indo-Pacific Command at ng Pentagon.

Dagdag ni Tuazon, dapat aniyang paghandaan ang bwelta o reciprocal response dito ng US.

Paniwala ni Tuazon, dalawa ang direksiyon ng usapin. Una, magkaron ng bagong re-negotiation. Pangalawa, radical na aksyon patungo sa pagkalag sa Mutual Defense Treaty (MTD) at Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Facebook Comments