Cauayan City, Isabela– Nangangamba ngayon ang pamunuan ng City Environment and Natural Resources (CENRO) sa Lungsod ng Cauayan dahil sa kalat-kalat na basura sa mga checkpoint na posibleng pagmulan ng sakit sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
Ayon kay CENRO Officer Engr. Alejo Lamsen, sa pag iikot na kanilang ginawa ay kapansin-pansin ang pagkalat ng mga pinagkainan ng mga mga frontliners sa bawat checkpoint sa lungsod kung kaya’t may pangamba din ito sa kalusugan ng mga basurero.
Panawagan pa nito sa publiko lalo na sa mga magtatapon ng basura na isaayos ang pagtatapon at ilagay sa sako kung kinakailangan para maiwasan ang posibleng pagkalat ng nasabing sakit.
Inabisuhan na rin nito ang mga tauhan sa santitary landfill na idireto ang pagbaon ng mga nakasakong basura upang matiyak na makaiiwas sab anta ng nakamamatay na sakit.
Pakiusap din nito sa publiko na makipagtulungan sa kanila sa simpleng pagtatapon sa mga designated area o paglalagay sa mga Materials Recovery Facilities (MRF) ng bawat barangay sa lungsod.
Tiniyak naman nito ang patuloy na pagkolekta ng mga basura subalit itinakda ang araw tuwing Lunes-Miyerkules-Biyernes-Sabado sa mga pangunahing lansangan ng Poblacian Area at isang beses kada linggo ang mga kalapit na barangay.