*Cauayan City, Isabela- *Pinulong ng City Environmental and Natural Resources Office (CENRO) ang mga Brgy. Officials dito sa Lungsod ng Cauayan upang paigtingin ang pagpapatupad sa pagbubukod ng mga basura.
Sa nakalap na impormasyon kay Engr. Alejo Lamsen ng CENRO, mayroon na umano silang binuong grupo ng mga Barangay Solid Waste Enforcement Patrol Technician (SWEPT) na magsisilbing katuwang sa pagpapatupad sa ordinansa sa bawat barangay.
Isa umano sa mga barangay na kanilang tututukan ay ang Brgy. San Fermin lalo na ang mga basura na nanggagaling sa palengke upang ipaalam sa mga residente nito ang tamang paghihiwalay sa mga basura.
Magkakaroon din umano ng incentives ang mga SWEPT Officials mula sa City Government kung makakahuli ang mga ito ng dalawampu’t limang katao na lumabag sa ipinapatupad na ordinansa sa basura.
Ayon pa kay CENRO Officer Lamsen na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampanya sa pagbubukod ng basura upang matiyak at mapanatili ang kalinisan ng buong Lungsod ng Cauayan.