CENRO PALANAN, KAISA SA PAGDIRIWANG NG PH EAGLE WEEK

Ipinagdiriwang sa buong bansa ang Philippine Eagle Week mula Hunyo 4-10 na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources na may tema na “𝐾𝑎𝑝𝑎𝑦𝑎𝑝𝑎𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝐾𝑎𝑙𝑎𝑦𝑎𝑎𝑛: 𝐴𝑛𝑔 𝐴𝑔𝑖𝑙𝑎 𝑎𝑡 𝑀𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑦𝑎𝑛, 𝑀𝑎𝑦 𝐾𝑎𝑢𝑔𝑛𝑎𝑦𝑎𝑛”.

Kaugnay nito, ayon kay Forester Federico Cauilan Jr., ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Palanan, kaisa sa pagdiriwang na ito ang kanilang tanggapan katuwang ang sub-offices sa Maconacon at Dinapigue na magsasagawa ng Philippine Eagle and Forest Walk.

Magiging kaisa sa nasabing aktibidad ang mga Youth Organizations, Lokal na Pamahalaan ng Palanan, Department of Education, at Barangay Officials. Dagdag pa ni Ginoong Cauilan, patuloy ang kanilang monitoring sa Philippine Eagle na pinangalanang si Raquel.

Matatandaan na pinakawalan si Raquel ng environment and local officials noong May 2011 matapos gamutin sa mga tinamo nitong sugat dahil sa pagkakabitag nito sa animal trap. Si Raquel din ang kauna-unahang Philippine Eagle na kinabitan ng miniature global positioning system (GPS) satellite transmitter upang patuloy na ma-monitor.

Samantala, layunin ng nasabing aktibidad na paggunita sa mga mamamayan ang ating tungkulin bilang tagapangalaga ng kalikasan at ang kahalagahan ng Philippine Eagle at iba pang mga hayop na namumuhay sa ating daigdig.

Magugunita na ang nasabing selebrasyon ay bilang pagtugon sa Presidential Proclamation No. 79, series of 1999.

Facebook Comments