Census laban sa COVID-19, isinasagawa na sa Muntinlupa City

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs(DFA)  na hindi kasama ang UK at Ireland sa restricted na pumasok ng Pilipinas.

Gayunman, kapag obligado pa rin silang sumunod sa travel protocols ng Pilipinas.

Nilinaw din ng DFA na bagamat papayagan pa rin silang pumasok sa NAIA, pagkababa aniya nila ng eroplano ay hindi sila papayagan na magtungo sa ano mang lugar sa Kalakhang Maynila at sa halip ay kailangan nilang lumabas agad ng Metro Manila.


Tiniyak din ng DFA na aabisuhan nila ang foreign embassies sa bansa hinggil sa bagong protocols ng gobyerno

Ito ay bagamat ilan sa mga embahada ay nakikipag-ugnayan na sa kanila para sa paglilinaw.

Facebook Comments