Dumagdag sa listahan ng mga Centenarian sa bansa ang Pangasinenseng si Lola Estefania Ballesteros o Bae Inyang mula sa Brgy. Malabago, Calasiao, matapos ang kanyang ika-100 kaarawan noong Sabado de Gloria, April 4.
Sa nasabing okasyon, nagtipon-tipon ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga residente upang bumati at ipagdiwang ang natatanging yugto ng kanyang buhay.
Nagbigay-pugay din ang barangay council ng Malabago, na itinuturing si Bae Inyang bilang simbolo ng tibay, karunungan at katatagan sa kanilang lugar.
Ang ika-100 kaarawan ni Bae Inyang ay hindi lamang isang personal na tagumpay, kundi isang makasaysayang okasyon na pagmumulan ng inspirasyon para sa mga susunod na henerasyon, bilang simbolo ng buhay na hindi naglalaon anuman ang mga pagsubok na darating. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










