CAUAYAN CITY – Tumanggap ng kabuuang P100,000 ang isang centenarian sa Barangay 2, Jones, Isabela.
Siya ay si Lolo Crispin Mejia, 100 taong gulang, at residente ng nabanggit na barangay.
Tumanggap si Mejia ng P100,000 mula sa Provincial Government of Isabela sa pamamagitan ng opisina ni Isabela Gov. Rodito Albano.
Ang naturang halaga ay personal na iginawad ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Jones, Isabela.
Ang cash award ay alinsunod sa Centenarians Act of 2016, o kilala bilang Republic Act 10868.
Ang batas ay nag-uutos sa pamahalaan na parangalan ang mga mamamayang 100-taong gulang pataas ng P100,000 halaga ng cash at isang liham ng pagbati mula sa pangulo upang kilalanin ang kanilang kontribusyon sa bansa.
Facebook Comments