Centenarian na Naturukan ng COVID-19 Vaccine, Walang Naramdamang Side Effect

20

Cauayan City, Isabela- Tila normal o walang naramdamang side effect ang isang 104 taong gulang na lolo matapos maturukan ng COVID-19 vaccine sa bayan ng Allacapan sa lalawigan ng Cagayan.

Si lolo Isidoro Agpoon ay residente ng barangay Labben sa nasabing bayan na boluntaryong nagpabakuna kontra COVID-19.


Ayon sa Doktor na si Krizel Barcena Quines, sinabi nito na si Agpoon ang pinakamatandang tumanggap ng unang dose ng bakuna sa lalawigan.

Iginiit naman umano ng lolo na wala siyang naramdamang sakit io adverse effect ng bakuna makaraang maturukan ito ng AstraZeneca vaccine at nakauwi rin ng ligtas sa kanyang tahanan.

Facebook Comments